“Ah, music. A magic beyond all we do here.”
—Albus Dumbledore (Harry Potter and the Philospher’s Stone, JK Rowling) | submitted by leftyounowhere (via quote-book)
July 2010
17 posts
Ang hinihintay kong Mayor...
- Si Mayor Juan na hindi ipapapinta ang kanyang pangalan sa mga pampublikong gusali. “A project of Mayor Juan Curacot” Iyon bang mas malaki pa ang pagkakapinta sa pangalan niya kaysa sa mga mas importanteng detalye. Pera iyon ng mamamayan, at tungkulin niyang gampanan ang proyektong iyon. Hindi niya kailangang magpa-bida.
- Si Mayor Juan na hindi gagamitin ang kanyang position para masaktan, mapatay, maapi, o kung ano pang uri ng pagmamaltrato, ang mga taong wala namang kamuwang muwang.
- Si Mayor Juan na hindi inililista ang kanyang mga nagawa para sa bayan, at isusumbat ang lahat ng ito.
- Si Mayor Juan na hindi nilulustay ang pondo ng bayan para sa pansariling kaligayahan. (Aba’y Mayor! Magkano ba ang natatanggap mong salapi sa isang buwan? Hanep e, parang kailan lang naka owner-type jeep ka lang, ngayon ay naka Mercedes Benz ka na.)
- Si Mayor Juan na iniisip ang kapakanan ng kanyang pinamumunuan.
- Si Mayor Juan na hindi lang puro paimpress.
- Si Mayor Juan na hindi namimigay ng salapi (na kinurakot lang naman niya sa pera ng bayan) tuwing eleksyon upang manalo.
- Si mayor Juan na hindi manggagantsyo.
…
Oo, si Mayor Juan…
Hindi naman natin maipagkakailang MAHIRAP MAG-BAGO. Mahirap umahon, lalo na kung ang mga namumuno pa ang siyang nagtutulak sa atin pababa. Ang akin lang, sa lahat ng panahon, sa lahat ng pagkakataon, may magagawa ang bawat mamamayan.
Ako, magsisimula akong mangarap. Mangarap para sa kinabukasan ng bayan. :)
Anthony Bourdain's No Reservations in the Philippines →
pytrlinus.tumblr.com
The world famous chef, critic and traveler in for the pearl of the orient quest.